"Jisa, krolawa, shotlo, kyopat, jima, kyonim, niyotert, walochi, siyamert, Krompu! Eow phowz..."
Habang umuusad ang ating panahon sa mga makabagong mga teknolohiya mula sa mga
gadgets,
fashion statements, lutong ulam, at iba pang mga pausong naaayon sa panlasa ng masa at
trendsetters, hindi naman magpapahuli ang mga nagtatalbugang mga talastasang kakaiba sa ating pandinig at paningin na ang kanilang pangunahing pinamumugaran ay ang ating mga
mobile phones,
chat sa internet at pati na rin sa aktuwal na pag-uusap ng mga nagkasundo ng
vibes o lebel ng pag-iisip. Ilan rito sa mga nabanggit ay ang paggamit ng
jejemon,
bebemon,
gay lingo, at iba pang mga pausong mga termino na ginagamit sa kanilang pakikipag-usap.
Bago pa man naipanganak ang salitang
jejemon ay marami-rami na rin ang gumagamit ng kaparaanang ito bilang midyum sa pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng SMS o pagtetext at sa chat. Bumulusok ang kasikatan nito nang ito ay napapansin na ng madla. Ang jejemon, ayon sa en.wikipedia.org:
The word "Jejemon" supposedly originated from online users' penchant to type in "hehehe" as "jejeje", either because "jeje" is derived from Spanish, whose speakers denote the interjection as laughter, or because the letters "h" and "j" are beside each other, and that it is appended by "-mon" that came from the Japanese anime Pokémon, with "-mon" meant as "monster," hence "jeje monsters.
Binubuo ito ng mga pinaghalu-halong salita na mula sa English, Filipino at pati na rin sa Taglish. Ang kanilang alpabeto na tinatawag na
Jejebet ay gumagamit ng mga alpabetong Romano, kasam na rin ang mga numerikong Arabe at ng mga espesyal na mga
characters. Muli nila ito isinasaayos mula sa tamang kaayusan ng mga letra at nilalagyan nito ng arte sa pamamagitan ng paglalabis nito ng mga letra tulad ng H, X o Z. Ilan sa mga halimbawa nito ay ito:
- Filipino: "3ow ph0w, mUsZtAh nA?" translated into Filipino as "Hello po, kamusta na?, translated into English as "Hello, how are you?"
- English: "i wuD LLyK tO knOw moR3 bOut u. crE 2 t3ll mE yur N@me? jejejejeje!" translated into English as "I would like to know more about you, care to tell me your name? Hehehehe!"
- aQcKuHh- means me/ako
- lAbqCkyOuHh- means I love you
- yuHh- means you/yes
- jAjaJa- garbled words conveying laughter
- jeJejE- a variation of jAjaJa; conveys sly laughter
- iMiszqcKyuH- means I miss you
- eEoWpFhUeEhsxz - means hi/hello
Ang
bebemon ay isa na namang terminong pinauso ng mga kabataan. Ito ay isang tao na nakikipag-usap, nakikipag-chat o nagtatayp sa mga
chatroom, blogs, forums o kahit sa
facebook na parang isang sanggol o bata, na ayon rin sa blog ni Aie Salas ay:
"Bebemon" is a combination of the words Baby for "Bebe" and Pokemon for "Mon".
With Bebemons, the letters "D", "T" and "Y" are used more frequently, replacing most consonants in a sentence. For example, the phrase "Matutulog na po ba kayo Kuya?" becomes "Matutuyod na po ba tayo Tuya?" or "Naiinis na ako sa 'yo!" is changed into "Daiinit na ato tayo!" HAHAHAHAHA..
Ang paggamit ng
gay lingo na sikat na sikat sa mga nabibilang sa ikatlong kasarian, partikular sa mga bakla, ay ang mga naiisip na bokubolaryo ay mula sa kanilang pang-araw-araw na usapan,tsismisan, pinagkakatuwaan o umpukan hanggang sa nakaipon ito ng mga kalipunan ng mga salita na kulang na lang ay makagawa sila ng panibagong diksyunaryo na natatangi lamang para sa kanila. Ilan ito sa mga makukulay at nakakamanghang mga halimbawa:
Anik / Anetch — ano (what) / which
Balaj — balahura (shameless)
Bitter Ocampo — malungkot (sad) / nagngingitngit (fuming mad) / bitter
Baklah / Baklush — used instead of one’s name, may refer to any gender
Givency / Janno Gibbs / Debbie Gibson — bigay (to give)
That’s Entertainment / Anda / Andalucia / Anju / Anjo Yllaña — datung (money)
Fatale — sobra (excessive) / to the max
Feel / Fillet o’ Fish — type / gusto / natipuhan (like)
Fly — alis (leave)
Forever — palagi (always) / matagal / mabagal (slow)
Mahalia Jackson — mahal (expensive)
Kuya Germs — madumi (dirty) / bearer of germs
Lucresia Kasilag — lukaret / baliw (crazy)
Lucita Soriano — loser na sorry pa
Luz Valdez — matalo (to lose)
Winnie Santos — manalo (to win)
Award — pinagalitan / pinagsabihan (reprimanded)
Ano nga ba ang dahilan kaya nagiging bahagi ito ng kanilang salindila? Maliban sa magagawa nitong maisulit ang kanilang pagtetext ay may pampadagdag arte rin. Sinasabi rin na
"pa-cute" ito sa kani-kanilang mga kausap. Isa pang salik nito ay ang pagiging
"in" sa kanilang hanay at kung marami kang alam sa kanilang wika, ika nga ay "pasok ka sa banga!" Nakakadagdag raw ito ng
papogi points at kung hindi naman, ikaw ang magiging sentro ng usapan dahil sikat ka na. Anu-ano pa ang kanilang mga kadahilanang ito ay patuloy pa rin ito dumarami at lumalaki ang kanilang mga bilang.
Katigan man natin o hindi ang mga sumusunod na mga termino o pauso, wala pa rin ito sa ating mga kamay para husgahan o hatulan natin ang kanilang pamamaraan sa pagpapahayag. Kung ating tutuligsain ang mga kagaya nito ay magbibigay ako ng ilan sa mga halimbawang kagaya nito sa ibang bansa. Kung inyong maaalala ang pelikulang
Clueless na pinagbibidahan ni Alicia Silverstone at ang
Trainspotting ni Ewan McGregor, nagsulputan doon ang mga nakakapanibagong mga termino na kung saan ito ay naging bahagi ito ng kanilang personalidad at pang-araw-araw na pananalita.
1. Give (someone) 'snaps'= from snapping the fingers, I suppose
2. jeepin' = (Dionne defines indirectly, as 'vehicular sex'
3. outie = out of here/leaving. For 'outie', you will hear something that sounds like a German automobile, 'Audi'. In fact if you have a closed caption machine on your video, you'll see that the caption maker uses 'Audi' for that expression. Shows you must beware of closed captions.
4. buggin'/totally buggin' = at a total loss, freaked out, unable to cope
5. be toast = finished, ruined
6. go ballistic = be furious
Maliban pa rito, ang sinasabing pinagmulan ng
jejemon, ang L337 o sa mas kilalang tawag na
Eleet o
Leetspeak na siyang ginagamit madalas sa
internet at
network gaming. Gumagamit ito ng mga kombinasyon mula sa mga karakter ng ASCII upang halinlinan ang orihinal na pagkakaugnay nito. Ang kahulugan ng
Leet ay ang iyong natatanging at kahusayan mo sa larangan ng pagmamanipula at paghahari mo sa internet. Kapag naikabit na sa iyo ang terminong ito, ikaw ay sasambahin ng mundo ng
internet dahil ituturing ka nilang
IMBA (mahusay, magaling sa positibong depinisyon nito). Ilan ito sa kanilang pamamaraan ng paggamit:
Kung ating hahalungkatin ang kasaysayan noong unang panahon, sinasabi noon ang ating alibata ay nilalagyan ng animong "kodigo" na siyang panguhaning tagapaghatid ng mga mensahe at upang hindi ito mabasa ng kanilang mga espiya at kaaway. Ipinagsasalit-salit rin nito ang mga letra at ang kanilang pagkakaayos na tanging sila lamang ang nakakaalam ng nais nito ipahiwatig.
Sa paglalagom nito, nais ko pa ring ipagpasalamat na lumitaw ang mga ganitong uri at klase ng talasalitaan dahil dito natin nakikita na tumataas pa rin ang antas ng ating depensa pagdating sa tamang paggamit ng mga salita at pangungusap. Naaalala ko tuloy ang isang komentaryo na nabasa ko noon sa kaibigan ko na si Arvin Valderrama na hindi sapat ang punahin at ipakita ang ating pagkamuhi sa mga gumagamit ng mga kagaya nito bagkus ang totoong pagkatuto ay dapat magmula mismo sa ating mga sarili. Totoong hindi natin ito maipagmamalaki sa ating sarili at sa bayan pero ang katotohanan sa likod nito ay sa kahit anong tayog ng ating kinatatayuan ay dumarating ang mga pagkakataon na tayo ay napapahiya at nagkakamali rin. Nagkakada-bulol bulol nga tayo minsan sa pakikipag-usap sa sariling wika at mas binibigyan pa natin ng oras ng pag-eensayo ang pakikipagsabayan sa mga naglitawang mga inglisero kaya kung tutuusin, nasa kasukdulan pa tayo higit pa sa mga
jejemon at mga kauri nito. Sa ganang akin, kahit malawak ang aking talasalitaan ay marami pa akong hindi nalalaman at nangangapa pa ako para sa aking patuloy na pagkatuto. Kung talagang sinsero tayo sa ikatatayog ng talastasang bayan, ating ikalat at ipalandakan ang paggamit ng sariling wika at bigyan ng sariling pagkamulat at kaukulang respeto ang mga nakasanayan na ang mga pausong mga termino at pakikipagtalastas.