Answer: "You know what, sir? In my 22 years of existence, I can say there is nothing major, major, I mean, problem that I have done in my life" --- Tanong ni William Baldwin kay Bb. Pilipinas Universe 2010 Maria Venus Raj
"Pansin ko lang ha.uung ibang contestant may translator. dapat yung Philippines meron din para at least naiexpress nya sa pilipino na words tapos tinranslate na lang sa English hehehehe..." --- komento ni cloudreacher via YouTubeNaging sentro ng palakpakan at halakhakan ang naging pahayag nito ni Maria Venus Raj mula sa tanong ni William Baldwin sa sinalihan nito sa Miss Universe na kung saan siya ang kinatawan para sa bansang Pilipinas. Buti at nakuha pa nito ang ikaapat na puwesto sa kabila ng kanyang naging sagot na halata namang nahaluan ito ng kaba at kahit ba na batid na nito ang kanyang pagkakamali ay huli na para sa kanya. At sa karaniwang tagpo sa ating mga Pinoy ay ang pagiging mapamintas nito sa bawat pagkakamali ng kapwa natin mula sa pinakamaliit na detalye ng isang salita hanggang sa pinakakritikal na kaugnayan nito.
Sa unang pagkakataon na marinig natin ang kanyang naging kasagutan ay matatawa tayo. Inaamin kong isa na rin ako sa mga taong iyon. Subalit, napag-isip-isip ko ay ganito. Bakit ang hilig-hilig nating manghusga na kung tutuusin, ang pinakamalaking pagkakamali ay nasa atin at isipin ninyo rin ito. Hindi lamang minsan natin ito ginawa, kundi sa halos lahat ng ginagawa natin. Alam nyo ba kung ano? Ang pagpupumilit nating makipagtalastasan sa pag-iingles gayong may sarili naman tayong wika. Palibhasa kasi, naitanim na natin sa ating mga sarili na ang bansang ito ay bantog na sa kahusayan nito pagsasalita ng Ingles. Bakit ang mga ibang nasyon, may mga tagasalin sila para maiparating ito sa mga hurado ang kanilang mga sagot. Hindi namang itinakda ang salitang Ingles lamang ang kailangang gamitin sa nasabing patimpalak gayong pilit pa rin nating pinagtutulakan ang magpakitang gilas sa mga dayuhan.
Naalaala ko tuloy ang kasabihan ni Dr. Jose Rizal tungkol sa paggamit ng wikang pambansa na ang hindi pagmamahal nito ay daig pa sa mabaho at malansang isda. Sa puntong yaon ay isa itong napakalaking sampal sa bawat isa sa atin dahil niyakap natin nang husto ang wikang Ingles na ipinamana at ipinagyaman sa atin ng mga Amerikano. Dito lamang sa Miss Universe ay isinantabi ni Bb. Raj ang ating katutubong dila na minana niya mula sa mga dumaang naging kalahok at kinatawan nito.
Ang nangyari kay Bb. Venus Raj ay magsilbi sanang aral at nawa sa mga darating pang mga lalahok sa mga kagaya nitong mga patimpalak ay maisulong sana nito ang pagtangkilik sa wikang Pilipino bilang simula sa ating pagkakaisa tungo sa ating pambansang pagkakakilanlan. Hindi natin dapat ikahiya ang ating pinagkaugatan. Para kay Bb. Raj, nangyari na ang nangyari, kahit ano pa ang gawin natin ay hindi na natin maibabalik ang nakaraan kaya ang tanging magagawa mo ay ang magpatuloy lamang sa buhay dahil hindi naman dito matatapos ang iyong legasiya bilang Filipino at sa mga tumutuligsa sa ating kinatawan, may kasabihan po na "bago nating punahin ang dumi ng iba, ay manalamin muna at tingnan ang sarili kung ito man ay may dumi." Ginawa naman niya ang lahat sa abot ng kanyang makakaya upang sumulong hanggang sa huli tagpo ng paligsahan. Tayo ay magalak dahil mayroon naman siyang naiuwing karangalan kahit paano.
At sa pagtatapos ng blog na ito, iiwan ko naman sa inyo ang naging katanungan kay Venus Raj? Ano ang isa sa pinakamalaking pagkakamali na nagawa mo at ano ang iyong ginawa rito upang maitama ito? Ano nga ba at saan kaya tayo magsisimula?
pinkamalaking pagkakamali ko, ang naging desisyon ko noon kaya ganito ang buhay ko ngayon. at para maitama ko ito, ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya para harapin kung ano man ang kinahinatnan nito.
ReplyDeleteMali rin iyong pumupuri sa mali. Mabuti na ang nagsasabi ng tapat. Di naman pamimintas ang pumuna ng mali. Ako mas gugustuhin ko pang sabihing mabaho ang kili-kili ko kesa sabihing mabango ako dahil sa totoo lang di mo naman makikita ang pintas mo kundi ka pa titingin sa salamin pero dapat ang salamin din ay iyong magpapakita ng totoo di gaya noong salamin na iyong mataba ay ipinapakitang payat and vice-versa.
ReplyDeleteTungkol naman doon sa Miss Philippines, ang mali niya ay trying hard siyang maging Amerikano na napansin ko sa pagsasalita niya. Di ako impress. Tapos, panay ang bukaka niya na alam kong malaking No-No sa mga paligsahan ng mga magaganda. Isa pa sobrang conscious niya sa sarili niya di tulad ni Gloria Diaz o Margie Moran halimbawa noong araw. Natural ang dating nila, di pilit. Worse, iyong damit niya ay di desenyo ng mga sikat na pilipinong couturier. Iyong national costume niya mismo ay gawang Colombia. Insulto iyan sa kakayahan ng mga pilipino. Sana sa isang taon magiging talagang maingat na sa pagpili ng talagang pilipina gaya ni Gloria Diaz na di naman mestisa ang dating ng beauty kundi tunay na kagandahang pilipina at talagang may utak pa. Personal na kuro-kuro lang. Ang tamaan ay huwag magagalit!