"Noong naupo ang kaniyang ina (Cory Aquino) eh, pinarelease niya ang komunista na si Jose Maria Sison, tapos pinasunod niya si [Nur] Misuari [at pinalaya] niya si…Kumander Dante," --- panayam kay Estrada sa GMA News and Public Affairs’ Hiritan 2010
Sa halos lahat ng mga pampublikong libro ay bayaning-bayani ang imahe ni Ninoy Aquino. Pinangaralan at ang kanyang pangalan ay isinunod sa mga nabanggit bilang parangal: mga gusaling pampamahalaan, kalye, salapi, awitin, tula, at iba pa. Lahat ay natamasa nito sa panahon ng pag-upo ng kanyang maybahay na si dating Pangulong Corazon Aquino at tila walang puknat nitong itinatanim sa mamamayang Pilipino ang pagiging martir ng kanyang asawa sa pagharap niya mula sa bunganga ng panganib.
Kahit nga ako, noong mga panahon na nasa elementarya at sekundarya ako, ay iyon ang mga itinuturo sa amin ng aming guro sa kasaysayan. Gayundin sa mga napapanood ko sa telebisyon na kung saan ay binibigyan siya ng tributo at paulit-ulit itong ipinalalabas bilang alaala sa kanyang nagawang kagitingan. Kaso kamakailan lang ay nag-iba bigla ang ihip ng hangin nang ako ay makabasa ng mga artikulo ukol sa nakaraan ni Ninoy Aquino at lalo akong nagulumihanan sa mga nakalap kong impormasyon tungkol dito. Sa tulong rin ng ilang mga kaibigan at ilang mga pagsasaliksik, dahan-dahan kong ibinalangkas ang mga kaganapan at pangyayari at noong akin itong ikumpara sa mga libro ng kasaysayan at sa mga pahayagan, ay malayong malayo ito sa paglalarawan sa kanya. Aking ikukuwento ang paglalahad na natuklasan ko.
Ayon kay F. Sionil Jose, may ilan siyang mga interesanteng paglalahad tungkol kay Ninoy Aquino:
1. Ninoy believed only a revolution could cure the chronic ills of Philippine society, but wrestled with how it could be achieved with just a few hundreds dead.
2. It was Ninoy who introduced Dante Buscayno, the leader of the NPA, to Joma Sison, founder of the Communist Party of the Philippines.
3. Ninoy Aquino was indeed supporting the NPA, this according to Victor Corpuz.
Noong mga panahon na peryodista pa lang ng Manila Times si Ninoy Aquino, ay ipinadala ito sa Korea upang mag-ulat ng mga balita ukol sa nangyayaring digmaan sa pagitan ng Hilagang at Timog Korea. Nasaksihan niya ang isang tagpo na kung saan binago nito ang kanyang pananaw ukol sa kahulugan ng demokrasya at komunismo. Nakita nya kung paano tinatrato ng masama ng mga taga-Timog na tagasulong ng demokrasya ang mga bihag nitong mga taga-Hilaga na sumusuporta sa komunismo. Sumama pa lalo ang sitwasyon sa pangingialam ng mga Amerikano sa nasabing digmaan.
Sa kanyang pag-uwi ay namumutawi sa ang tungkol dito at ikinumpara niya ang mga pangyayari doon at sa Pilipinas na kung tutuusin ay may pagkawangis ang kinasadlakan nito at itinanim sa kanyang isipan na kinakailangan ang konsepto ng komunismo sa Pilipinas. Kaya nangalap ngayon siya ng mga taong makakatulong sa kanya upang maisakatuparan ang kanyang binabalak na pagsusulong sa komunismo. At sa kanyang paghahanap ay nakilala nito si Jose Maria Sison na noon pa lang ay isang youth organizer. Nag-usap ang dalawa at nagkasundo sa kanilang mga paniniwala at ipinaglalaban, kaya dito nag-ugat ang pagkakatatag ng Communist Party of the Philippines (CCP). Nang lumalaki na ang bilang ng kanilang mga tagasuporta ay naisip ni Aquino na mangangailangan ito ng lakas-militar na siyang magpapatupad ng kanilang mga adhikain. Sa tulong ni Joma Sison ay isinama si Aquino upang ipakilala siya kay Ka Dante Buscayno at binuo nito ang New People's Army.
Nang malaman ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang presensya ng CCP-NPA at sa lumalaking bilang ng hanay nito, siya ay lubos na nabahala at gumawa ito ng kaukulang hakbang dahil itinuturing niya itong malaking banta sa pagtataguyod ng demokrasya. Lalo pa nito pinaigting ang kampanya nito nang maganap ang pambobomba sa Plaza Miranda at iba pang mga naganap na kaguluhan sa iba't ibang panig ng bansa, na sa kalaunan ay nagdeklara ito ng Martial Law noong Septyembre 21, 1972 sa bisa ng kapangyarihan ng Proklamasyon 1081. Sinuyod nito ang halos lahat ng mga maaaring maging banta sa pamahalaan at ipinakulong ito. Kabilang si Aquino sa mga hinuli at ipiniit ng mga sundalo.
Ang pagkakapatay sa kanyang paglapag sa Tarmac noong Agosto 21, 1983 ay maituturing na isang nagbalatkayong biyaya para matakpan ang katotohanang bumabalot kay Ninoy Aquino ukol sa kanyang partisipasyon sa pagsusulong ng komunismo sa bansa at naging daan ito upang mapalaya ang mga pangunahing tauhan sa kanilang pakikibaka. Nailikida ang mga magtatangkang magsalita ukol rito at ang mga lider ay ipinatapon sa ibang bansa bagkus nabigyan ito ng political asylum.
Naging mabunga ang pag-uusap namin ng isang kaibigan na nagbigay sa akin ng kaukulang kaalaman ukol rito at upang masuportahan ang kanyang mga naging pahayag ay naglaan ako ng oras upang magsaliksik ng mga kronolohika ng mga pangyayari sa likod ng pagkakadawit ni Aquino sa pagkakatatag ng komunismo sa Pilipinas. Sa patuloy ng pag-inog ng kasaysayan ay lalo pa nito mapapahubog ang mga tunay na pangyayari na hindi lamang tiningnan sa isang anggulo lamang. Isa lamang ito sa mga impormasyon na pilit na itinatago sa mata ng publiko subalit may kasabihan ika nga, "walang lihim na hindi nabubunyag." At kung hindi man ako ang makatuklas nito ay mayroong mga taong kagaya ko ang makakakita ng interes at kabuluhan nito na siyang magpapatuloy ng aking pagpupunyagi para sa pagtuklas ng katotohanan ukol rito. At sa pagtatapos nito, nais kong iwan ang katanungang ito at bigyan ito ng kaukulang pangangatwiran. Si Benigno Aquino Jr. nga ba ay bayani ng demokrasya o tagapagtaguyod ng komunismo? Ano sa palagay ninyo? Ako kasi, hindi ako mapalagay...
No comments:
Post a Comment