Friday, August 20, 2010

Davide: Ang Dasal sa Gitna ng Panganib

"He (Davide) is a former Chief Justice who has ignored the law not by neglect but by design. He is an opportunistic politician who has circumvented the law to further his personal interests, who has violated the law for personal convenience and greed, and who has gone as far as threatening members of the House of Representatives so that the truth can be suppressed." --- Senador Jinggoy Estrada sa kanyang naging privilege speech noong Agosto 17, 2010


Kung ating hihimay-himayin ang bawat anggulo ng pagkakatatag ng Truth Commission na ipinatupad sa bisa ng EO No. 1 ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na ang layunin ay imbestigahan ang mga ipinasok na anomalya at katiwalian noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, nasa tamang plenaryo ito upang bigyan ng sapat na pansin subalit ang pagkakatalaga kay dating Chief Justice Hilario Davide ay isang maliwanag na banta upang maiusad pa ang gagawing pagsusuri ng nasabing Komisyon.



Hindi pa man nagsisimula ang nasabing komisyon ay naisalang agad ito sa kawan ng kumukulong mga batikos at reklamo na mula sa iba't ibang mga entidad sa hanay ng mga nasa oposisyon at pati na rin ang karamihan sa mga kaalyado ni GMA. Iba't ibang mga layunin ng kanilang pagtutol sa kanyang pagkakatalaga pero kung tutuusin, mayroon silang punto na kapag atin itong ihambing, iisa lang ang kanilang nais ipaabot rito: na walang kredibilidad at paninindigan na pamunuan ito ni Davide. 



Balikan natin ang mga naganap noong 2001 na kung saan pinasinayaan ni dating Chief Justice Davide ang impeachment trial na kung saan naisalang noon ang dating Pangulong Joseph Estrada. Sa kanyang pagdinig sa nasabing kaso ay hindi nya ito binigyan ng pagkakataon na matimbang ang mga katwirang idinulog sa kanya, bagkus ito ay kanyang kinusinti nang dinala ito sa kalye, na siya ring nakilala bilang EDSA Dos. Siya ay pumunta doon upang panumpain sa tungkulin ang bise presidente noon at sekretarya ng DSWD na si Gloria Macapagal-Arroyo. Nang ito ay kinilala at pinarangalan ang kanyang naging bahagi noong panahong iyon, sa kanyang pagretiro bilang Punong Hukom ay binigyan siya ng pwesto sa kanyang pamahalaan bilang presidential adviser on electoral reforms noong Enero 24, 2006.


Maliban pa rito, naisalang pa siya muli nang inakusahan ito na nilustay ang pondo na mula sa Judiciary Development Fund at sa kaso ng nepotismo na kinasasangkutan naman ng kanyang mga kaanak at ilan sa kanyang kapamilya. Inulan ito ng mga batikos sa pangunguna nila Rep. JV Bautista ng Sanlakas at ng ilang mga kongresista't senador. Marahan itong isinantabi ang kaso nito subalit sa iniluluto na planong pagpapaupo kay Davide sa Truth Commission, binasag ni Sen. Jinggoy Estrada ang kanyang katahimikan ukol rito at isa ito sa kanyang binigyan ng buhay sa kanyang naging privilege speech noong Agosto 17, 2010 bilang pagpapakita ng protesta sa naging hakbang ng Palasyo.



"President Benigno Aquino III's executive order that created the Truth Commission has pitfalls that could hamper the body's success in probing alleged corruption in government in the last nine years." ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago.






Ang mismong Truth Commission ay nasisilipan ng maraming butas at ang pagkakatalaga kay Davide bilang pinuno nito ang mas nagpapaalab sa lumalalang apoy nito. Siya ay nakinabang sa mga biyaya ipinaulan sa kanya ng pamahalaang Arroyo at ang pagsalang sa kanya upang kastiguhin ang dati nitong amo ay isang napakalaking katanungan na namumutawi sa isipan ng mamamayan nito na higit na nakakaalam sa mga pangyayaring bumabalot sa ating bansa. Saan ngayon hahantong ang kasong ito? Anuman ang pasyang ihahatol ng nasabing komisyon ukol rito ay mag-iiwan ng mantsa na tatatak sa isipan ng nakararami. Ito nga ba ang tunay na diwa ng landas na matuwid? O marahil tayo ay unti-unti nang lumulubog sa kumunoy ng kanyang mga paanyaya't amis ng mga pangako? Atin itong busisiin at bigyang kamalayan dahil ang kinabukasan ng hustisyang pambansa ay mayroon nang nakaambang panganib.



1 comment:

  1. Harrah's Resort Atlantic City - MapYRO
    Harrah's Resort Atlantic 충주 출장안마 City in Atlantic 천안 출장마사지 City, NJ 대구광역 출장샵 is a AAA Four Diamond property. Find out more about 상주 출장마사지 the property in 충청북도 출장마사지 Atlantic City.

    ReplyDelete